Monthly Meeting of Municipal and City Assessors of Bulacan

Nagsilbing host ang bayan ng San Rafael sa buwanang pagpupulong ng mga Municipal at City Assessors ng ating lalawigan kung saan mainit silang tinanggap ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Vic Paulino at Konsehal Aiza Mapoy, kasama ang ating Municial Secretary Jun Sevilla at ang ating Municipal Assessor na si Maam Gina De Guzman

Naging makulay at masaya ang pagpupulong na ito lalo pa at isinagawa ito sa bagong atraksyon dito sa ating bayan na San Rafael River Adventure na matatagpuan sa Brgy. Talacsan.

Nakiisa rin sa pagpupulong ang Provincial Assessor ng ating lalawigan na si Architect Rodelio Robles at ang isa sa dating Kagawad ng Sangguniang Bayan na si Konsehal Roger Estrella.

Monthly Meeting of Municipal and City Assessors of Bulacan

Announcement: Civil Registration Month

Announcement:

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Civil Registration Month, magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Municipal Civil Registrar Mercedes Rivera, ng Free Birth Registration at Free Issuance of Civil Certifications.

Magtungo lamang po sa ating Municipal Civil Registry Office sa darating na Biyernes, ika-27 ng Pebrero, ng taong kasalukuan, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Civil Registration Month

 

Public Consultation – Boundary Dispute at Sitio Bacood

10407324_826543590718403_3883323927440789965_n 10402798_826543600718402_598653954616359462_nAng isinagawang Public Hearing and Consultation tungkol sa Political Boundary sa Sitio Bacood kung saan ito ay hinati ng Brgy. Ulingao at Brgy. Tambubong.

Ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison Veneracion kung saan tumayo naman bilang Board Panel ang ating Municipal Administrator Renato Garcia, Municipal Secretary Jun Sevilla, DILG-San Rafael Maam Myrna Reyes, at Planning and Development Coordinator Engr. Manny San Roque.

Nakiisa rin sa pagpupulong ang Sangguniang Barangay ng Tambubong sa pangunguna ni Kapitana Milagros De Guzman at ang Sangguniang Barangay ng Ulingao sa pangunguna ni Kapitan Nicasio Santos.

Boses ng nakararami ang ginawang pamantayan ng ating Pamahalaang Bayan sa usaping ito kung saan mas pinili ng mga mamamayan ng Sitio Bacood na maging parte ng Brgy. Tambubong.

Isa ring panukala na bigyang pagkakataong bumukod at maging isang nagsasariling barangay ang Sitio Bacood ang inihain sa ating mga lingkod bayan, kung saan buong galak naman itong sinang-ayunan ng ating Punong Bayan sa pasubali na dapat makamit ng Sitio Bacood ang mga requirements na itinadhana ng ating Saligang Batas para sa pagsasarili.

936671_823339941038768_7751067159491179349_n

Isang Pray-Over ang isinagawa sa ating Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ng Samahan ng mga Pastor sa San Rafael kung saan kanilang ipinagdasal sa Poong Maykapal na bigyan ng malusog na pangangatawan at gabay sa paglilingkod ang ating minamahal na Punong Bayan upang mas marami pa ang kanyang matulungan gayundin ang patuloy na kapayapaan at kaularan ng ating bayan. Kanila namang hiniling kay Mayor Goto na kung maaari ay ang samahan nila ang manguna sa pagdarasal ‘tuwing Flag Raising Ceremony, kung saan pumayag naman ang ating Mayor ngunit iginiit niya na dapat ay ‘by-schedule’ ang gawin upang mapagbigyan din ang iba pang Relihiyon sa ating bayan.

Flag Raising Ceremony – January 19, 2015

sr-001            sr-002

Nagbigay ng mensahe ang ating Punong Bayan Kgg. Cipriano ‘Goto’ Violago Jr. na ikinatawan ng ating Pambayang Tagapangasiwa Rentor Garcia sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Punong Barangay, mga Barangay Officials and Volunteers, mga Pinuno at Kawani ng Pamahalaang Bayan, mga miyembro ng lokal na Kapulisan at Bumbero, mga Kabataan, mga Senior Citizens, mga NGOs, at mga panauhin para sa Lingguhang Palatuntunan sa Pagtataas ng Watawat.

Ang Municipal Nutrition Office sa pangunguna ni Maam Evelyn Dela Fuente kasama ang mga LLN at Mother Leaders ang punong-abala sa palatuntunang ito at ang kanilang Panauhing Tagapagsalita ay ang Punong Guro ng Pulo Elementary School na si Maam Emilie Viquiera.